ILOILO CITY – Patay ang isang drug personality matapos mauwi sa barilan ang isinagawang drug bust operation ng mga otoridad sa Pototan, Iloilo.

Ang subject ng operasyon ay kinilalang si Valentin ” Mino” Gonzales, 60, hiwalay sa asawa, may isang anak at residente ng Riza Street Pototan, Iloilo.

Ito ay nagtamo ng sugat sa mukha, kilikili at tiyan na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nakuha sa posisyon ni Gonzales ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu, homemade caliber .38 shot gun na puno ng bala at empty shell nito.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay C/Insp. Ronnie Brillo, hepe ng Potatan Municipal Police Station, sinabi nito na siya ang target ng subject na barilin ngunit nakailag ito.

Nasugatan naman ang hindi na pinangalanang pulis na nagresponde sa insidente.

Napag-alaman na si Gonzales ay tinaguriang downline ng Balume drug group na nag-o-operate sa Iloilo.