Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Pahirapan ang pag-retrieve ng aabot sa 150 sakong bigas mula sa isang trailer truck na nahulog sa lumang tulay o Old Colog Bridge sa Kitaihon, Kitaotao, Bukidnon.

Batay sa report, kaagad tumakas ang driver ng trak matapos mahulog ang kanyang menaneho na truck sa Pulangi River.

Sinabi ng MDRRMO Kitaotao, na pinagsabihan ng driver ang kanyang tatlong pahinante na tumalon sa truck nang malaman nitong pumutok ang brake system ng sasakyan habang binabaybay ang tulay.

Nagpapatuloy ang search and retrieval operation sa nawawalang driver.