CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang dalawa katao nang ma hit and run sa Barangay Binolingan, Kidapawan City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Jahid Lampatan Lu, 38 anyos, driver at Joedin Sendad, 27,mga residente ng Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na habang sakay ang mga biktima sa isang honda click 150 motorcycle patungo sa bayan ng Kabacan Cotabato ngunit pagsapit nila sa Brgy Binoligan sa lungsod ay binangga ito ng pick-up truck.
Imbes na tulungan ay tumakas pa ang driver patungo sa town proper ng syudad.
Tumilapon ang magka-angkas at nawasak pa ang kanilang motorsiklo sa tindi ng banggaan.
Agad dinala ng mga nagrespondeng mga tauhan ng rescue 911 ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo sila ng matinding bali, pasa at sugat sa kanilang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa naturang pangyayari.