Tinalakay sa pagpapatuloy ng ika-10 emergency special session ng United Nation General Assembly ang draft resolution ng state of Palestine na nagdedemand sa Israel na waksan ang pag-okupa nito sa naturang Palestine territory sa loob ng 12 buwan.
Ito ay sa gitna ng isyu sa mga aksiyon ng Israel sa occupied East Jerusalem at nalalabing okupadong teritoryo ng Palestine.
Ipinakilala ni Riyad Mansour, ang permanent observer ng State of Palestine to the United Nations ang naturang draft resolution. Dito, hinimok niya ang General Assembly na i-uphold ang mandato nito kasabay ng paggampan ng ICC ng mandato nito sa pamamagitan ng patas na pagtukoy sa mga legal consequence sa mga aksiyon ng Israel.
Nanawagan din ito para sa pagtatatag ng isang independent at sovereign state of Palestine sa 1967 borders kung saan ang East jerusalem ang capital nito.
Inaasahan na boboto ang General Assembly ngayong Miyerkules sa naturang draft resolution na inisponsoran din ng mahigit 2 dosenang mga nasyon.