Ipinahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na tatanggalin niya ang kasalukuyang “allocable at non-allocable fund formula” na ginagamit sa paglalaan ng pondo, at tiniyak na magiging batayan na lamang ng alokasyon ang tunay na pangangailangan ng mga komunidad, hindi ang impluwensya ng politika.
Paliwanag niya, dapat ay malinaw at madaling maunawaan ang batayan ng pondo, kung saan mas marami ang populasyon o mas malawak ang lugar, doon dapat mas malaki ang alokasyon para sa mga kalsada, tulay, at paaralan.
Binalaan din ni Dizon na hindi dapat ginagamit ang pondo bilang “leverage” ng mga opisyal, dahil ang maling paggamit nito ay sumisira sa tiwala ng publiko.
Sa kasalukuyan, nire-review ng DPWH ang mga nakaraang proyekto upang matiyak na maayos ang paggamit ng pondo at mapalakas ang transparency sa pagpaplano ng imprastruktura sa buong bansa.( report by Bombo Jai)
















