-- Advertisements --

Tinapos na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon.

Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay ng alternatibong ruta na nagkokonekta sa Tayabo, San Jose, Nueva Ecija hanggang Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang Dalton Pass East East Alignment Road ay nakalista sa mga na-upgrade na NEDA Infrastructure Flagship Projects alinsunod sa patakarang “Build Better More” ng administrasyong Marcos.

Dagdag dito, ang iminungkahing proyekto, na nasa ilalim ng klasipikasyon ng DPWH High Standard Highway Master Plan bilang High Standard Highway Road, ay magsasama ng isang twin-tube long-distance tunnel at sampung tulay.

Isinasaalang-alang din ito para sa aplikasyon sa ilalim ng Special Terms for Economic Partnership (STEP) Loan upang matiyak ang kahusayan at kaligtasan ng konstruksiyon pati na rin ang sapat at wastong operasyon at pagpapanatili kapag ito ay kumpleto na.

Partikular na gagamitin ng Japan ang mga teknolohiya at karanasan nito sa larangan ng paghuhukay ng mountain tunnel at mga diskarte sa pagtatayo ng nasabing proyekto.

Una na rito, ang mga feasibility study para sa dalawa pang proyekto ay natapos na ng Department of Public Works and Highways at Japan International Cooperation Agency.