-- Advertisements --

Tumaas ang kaso ng hand, foot and moouth disease (HFMD) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) na mayroong kabuuang 39,893 na ng kanilang naitala.

Kalahati sa nasabing bilang na dinapuan ay mga batang edad isa hanggang tatlo.

Naikakalat ang HFMD sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing o pagsasalita.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng lalamunan at pagkakaroon ng sugat sa bahagi ng kamay at paa.

Mayroon ng mahigpit na ugnayan ang DOH sa mga local government units para mapalakas ang pag-monitor ng HFMD sa rehiyon.