Pinangunahan ng Department of Agriculture ang paglulunsad ng “P20 Benteng Bigas, Meron Na! (PBBM) para sa Mangingisda” sa Sual , Pangasinan.
Ito at pinakinabangan ng mga lokal na mangingisda sa lalawigan ay isinagawa sa mismong Sual Fish Port .
Sa ilalim ng napakagandang inisyatibang ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga benepisyaryong mangingisda na makabili ng de-kalidad na bigas sa napakababang presyo na ₱20 lamang kada kilo—isang malaking agwat kumpara sa kasalukuyang halaga ng bigas sa mga pamilihan.
Dahil dito, pinayagan ang bawat benepisyaryo na makabili ng hanggang 10 kilo ng bigas, na nagresulta sa malaking bawas sa araw-araw na gastusin ng kanilang mga pamilya, at nagbigay daan upang magkaroon sila ng dagdag na pondo para sa iba pang pangangailangan.
May kabuuang 100 sako ng bigas na nagmula pa sa National Food Authority (NFA) Eastern Pangasinan ang inilaan at ipinamahagi para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na naninirahan sa nasabing bayan.
Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at koordinasyon, masisiguro ang pantay-pantay at walang kinikilingang distribusyon ng bigas, upang agarang maramdaman ng mga mangingisda at kanilang pamilya ang positibong epekto ng programa sa kanilang buhay.
Ayon sa NFA Eastern Pangasinan, mayroon silang planong palawigin pa ang pagpapatupad ng nasabing programa sa iba’t ibang lugar sa buong Pangasinan.