Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang inspection sa kanilang mga train na binili para sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 project Sa Valenzuela City.
Pinangunahan misno ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang inspection ng mga train na binili sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation bilang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) system.
Sinabi ni Tugade na asahang tatakbo ang 58 na tren sa kabuuang NSCR mula sa Clark International Airport (CRK) hanggang sa Calamba, Laguna.
Ang delivery ng 58 eight-car train sets o may kabuuang 464 train cars para sa NSCR ay sinimulan na matapos maideliver ang unang train set noong November 2021.
Dagdag ni Tugade, matapos ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minutes na lamang ang travel time mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan, mula sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto.
Ang PNR Clark Phase 1 at 2 ay napondohan sa pamamagitan ng assistance ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB).
Sa kabilang dako, ang siyam na civil works contracts para sa construction ng PNR Calamba na 56 km mula Manila patungong Calamba ay asahan daw na mai-awarded sa unang quarter ngayong 2022.
Ang PNR Clark 1 ay mayroong 53.85 percent overall progress rate, ang PNR Clark 2 ay nasa 34.46 percent at PNR Calamba ay ansa 28.62 percent complete.