Nagpahayag ng pag-aalala ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa patuloy na unemployment at hindi tugmang skills ng mga bagong graduates sa pangangailangan ng industriya.
Sa isang seminar noong Agosto 13, 2025, sinabi ni CHED Chairperson Dr. Shirley Agrupis na hindi dapat balewalain ang problema.
Bata’y kasi sa datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), lumabas na 3,364 lamang sa 25,876 job seekers ang natatanggap sa mga job fair noong Enero 2025.
Ayon pa sa CHED, marami sa mga nagtapos ay napupunta sa mababang uri ng trabaho na hindi nangangailangan ng degree, habang kulang pa rin ang mga industriya sa skilled workers.
Bagama’t mababa ang underemployment batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Agrupis na ito’y nagpapakita ng mas malalim na problema sa estruktura ng labor market.
Dahil dito, isinusulong ngayon ng CHED ang mga reporma upang gawing mas makabago at patas ang sistema ng edukasyon sa bansa.