-- Advertisements --

Nakahanay ang ilang paghahanda ng Department of Tourism (DoT), kung sakaling may mga problemang maitatala sa pagbubukas ng turismo, ngayong umiiral ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Usec. Benito Bengzon sa panayam ng Bombo Radyo, nakikipag-coordinate sila palagi sa inter-agency task force at mga lokal na pamahalaan para sa anumang hakbang na makakaapekto sa kapakanan ng mga turista.

Iginiit din nitong maingat ang mga proseso nila sa pagbyahe ng mga tao, para masigurong hindi magiging sanhi ng pagkalat ng sakit ang pamamasyal ng mga ito.

Mula sa paglalakabay, tutuluyang hotel at maging ang mga lugar na bibisitahin ay may paiiralin aniyang programa upang maging matagumpay ang muling pagpapalakas sa tourism industry.