Muling uminit sa kanyang shooting performance ang Dallas Mavericks star na si Luka Doncic, pero hindi pa rin umubra sa Portland Trailblazers, 118-121.

Binitbit ni Damian Lillard ang Blazers upang makaalpas sa performance ni Doncic.

Dallas Luka Doncic
Dallas star Luka Doncic

Kung maaalala nito lamang nakalipas na araw, nagtala rin ng career-high na 46 points si Luka laban naman sa Pelicans.

Pero sa pagkakataong ito si Lillard naman ang dumiskarte at nagpakawala ng mahalagang 3-pointer sa huling minuto upang pigilan ang tangkang big comeback ng Dallas (13-15).

Nagtapos si Lillard ng 34 points at 11 assists para sa kanilang 16-10 win-loss record ngayong season.

-- Advertisement --

Samantala, aminado naman si coach Rick Carlisle na napakahirap ng mga games na ginagawa ni Doncic lalo na umaabot sa 40s ang kanyang puntos.

Mahalaga pa rin daw na maging balance ang load nito para mga teammates.