Kinumpirma ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na papayagan nila ang domestic flights na makabiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ang procedures para sa gradual opening ng domestic airports ay isinumite na nila sa Department of Transportation (DoTr).
Pero nilinaw nitong dapat parehong GCQ ang pupuntahan ng mga flight dahil kung pupunta ang mga ito sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ay magkakaroon daw ng problema.
Dagdag ng opisyal, ikokonsidera pa rin ang health protocols sa pagbubukas ng operasyon sa mga paliparan gaya ng pagsusuot ng protective equipment at pagsunod sa social distancing.
Maalalang dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19), ilang flights sa bansa ay nasuspindi dahil sa pagpapatupad ng community quarantine noong Marso.