-- Advertisements --

Makakabili na rin ng murang bente pesos na bigas ang mga nasa sektor ng transportasyon simula bukas, Setyembre 16.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), inisyal na 57,000 manggagawa sa pampublikong transportasyon ang inaasahang mabebenipisyuhan sa murang bigas.

Kabilang sa mga mapapabilang sa programa ay ang mga tsuper ng bus, dyip at tricycle at mga transport operator.

Sa ilalim ng programa, makakabili ang mga driver at operator ng hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan.

Inisyal na irorolyo ang subsidized rice para sa transport sector sa Bureau of Animal Industry sa Quezon City kung saan mahigit 17,000 ang benepisyaryo, sa Philippine Fisheries Development Authority sa Navotas City naman nasa 1,001 ang benepisyaryo, sa Barangay Pandan sa Angeles City, Pampanga ay mayroong 9,961 beneficiaries, sa Food Terminal Inc. sa Cebu City nasa 24,742 beneficiaries at Tagum City ay may 3,650 beneficiaries.

Maaaring mabili ng transport sector ang murang bigas sa designated distribution centers kabilang na sa Philippine Fisheries Development Authority sa Navotas, Bureau of Animal Industry and Agricultural Development Center sa Quezon City, Agribusiness and Marketing Assistance Division sa Cebu, Food Terminal Inc. warehouse sa Angeles at Agribusiness and Marketing Assistance office sa Tagum City.