-- Advertisements --
Lumakas pa ang tropical depression Domeng habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 950 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 10 kph.
Samantala, ang dating bagyong Caloy naman na may international name na Chaba ay nasa tropical storm category na, makaraang lumakas.
Huli itong namataan sa layong 625 km sa kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.