Gagawin umano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat para mabawi o maibalik sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang nawalang trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa statement, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi malayong ma-rehire ang mga OFWs sa dati nilang mga pinagtatrabahuan kapag muling nagbukas ang ekonomiya ng ibang bansa sa buong mundo.
Ayon kay Sec. Bello, nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa mga foreign governments na may bagong polisiya sa migrant workers kaugnay sa safety and health measures laban sa COVID-19.
Inihayag ni Sec. Bello na tutulungan nila ang mga OFWs sa pagkuha ng mga requirements at sertipikasyong hindi sila banta sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan sa bansang pagtatrabahuan.
“Many governments went ahead of us in easing restrictions. Their industries are almost fully operational again by now. They could recall our OFWs anytime,” ani Sec. Bello.
“They might ask for more requirements from our OFWs like government certifications to prove they are not a threat to the health and safety of their people. We can do that.”