-- Advertisements --

Nangako si Labor Sec. Silvestre Bello III na sa lalong madaling panahon ay kanilang papauwiin na sa kanikanilang mga probinsya ang nasa 24,000 overseas Filipino workers (OFWs) na stranded sa ngayon sa mga quarantine facilities.

Ginawa ni Bello ang naturang pahayag matapos na bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang-linggong ultimatum ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Health (DOH) para mapauwi ang mga stranded OFWs sa kanikanilang mga probinsya.

Sinabi ni Bello na pipilitin nilang mapauwi sa loob ng tatlong araw ang mga OFWs negatibo naman sa COVID-19 at tapos na sa 14-day quarantine pero nakatengga pa rin hanggang sa ngayon sa quarantine facilities sa National Capital Region dahil hindi pa nabibigyan ng certificate ng Bureau of Quarantine.


Ayon kay Bello, 8,000 OFWs ang target nilang mapauwi kada araw sa loob ng tatlong araw simula ngayong Lunes, Mayo 25.

Tiniyak naman nito na walang magiging aberya sa transit ng mga OFWs dahil sa ugnayan nila sa Departement of Interior and Local Government (DILG).

Mababtid na magmula noong Marso 15, ang mga umuwing OFWs ay obligadong sumailalim sa 14-day home quarantine alinsunod na rin sa panuntunan na sinusunod para maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

Pero simula noong Abril 13, obligado na ang mga umuwing OFWs na sumailalim sa mandatory quarantine sa loob mismo ng mga pasilidad ng pamahalaan, o iyong mga hotels at iba pang accomodations na accredited ng Department of Tourism.

Mamgmula naman noong Abril 27, required ang mga OFWs na sumailalim sa RT-PCR tessts.

Nabatid na nasa 600 returning OFWs ang nagpositibo sa COVID-19, at nangangamba ang gobyerno sa posibilidad na magkaroon ng second wave COVID-19 infections sa oras na makarating na ng bansa ang karagdagang 42,000 OFWs.