Nagpaliwanag ang Department ot Labor and Employment (DOLE) sa pag-implementa nila ng total deployment ban ng mga Filipino workers sa South Sudan.

Sa inilabas na kalatas ng DOLE, ang nasabing kautusan ay base na rin sa ginawang assesement ng Department of Foreign Affairs.

Pahayag ng DOLE na nakita nilang hindi normal ang nasabing lagay ng kapayapaan sa lugar.

Matapos na itaas ang alert level 4 ay agad nilang ipinatupad ang total deployment ban ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.