-- Advertisements --

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng holiday pay rules sa pagdiriwang ngayong Mayo 13 ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Sa Labor Advisory 11 series of 2021 na ang sinumang empleyado na hindi pumasok ay mababayaran pa rin ng 100 percent ng kaniyang arawang sahod habang ang mga papasok na empleyado ay makakatanggap ng kabuuang 200 percent ng kaniyang arawang sahod sa loob ng walong oras.

Habang kapag lumagpas ng walong oras ay mayroong karagdagan 30 percent mula sa hourly rate.

Sakaling pumasok pa rin ito kahit na rest day ay mayroong 30 percent ng kaniyang basic wage o kabuuang 200 percent.

Kapag overtime naman o lagpas ng walong oras ay mayroong 30 percent sa arawang sahod ang tatanggapin ng isang empleyado.