-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panuntunan sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa loob ng mga establisyemento.

Sa labor advisory na inilabas ng DOLE, sinabi dito na sinasang-ayunan nila ang pagsunod sa Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na voluntary na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor setting.

Nakasaad sa advisory na maaring magsuot ng mga face mask kapag nagtutungo sa mga healthcare facilities gaya ng clinics, laboratories, hospitals, nursing homes, dialysis center at iba pa.

Dapat din na magsuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan at yaong mga may edad na, immunocompromised, hindi pa bakunado, mga symptomatic, may comorbidities na individual at mga buntis na dapat magsuot pa rin ng face mask.

Ipapaubaya naman ng Labor department sa mga employers ang pag-monitor sa kanilang empleyado kung nakakaranas ang mga ito ng sintomas ng COVID-19.

Nilinaw naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang kanyang pinirmahang Labor Advisory No. 22, Series of 2022, na may titulong “Guidelines on the Voluntary Wearing of Face Marks in Workplaces” ito naman daw ay hindi pilitan.

Dapat pa rin daw na magkatuwang ang mga employer at empleyado na tiyakin ang ligtas at “healthful working conditions.”