Matagumpay na naihatid ng Department of Social Welfare and Development ang mahigit 65,000 kahon ng Family Food Packs sa mga apektado ng bagyong Crising at Habagat sa bansa.
Batay sa datos ng ahensya, aabot na sa kabuuang 65,052 food packs ang naihatid sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at maging sa Cordillera Administrative Region.
Malaking bilang ng FFPs ang naihatid sa Central Luzon at Western Visayas na kanilang sa mga nakaranas ng hagupit ng masamang lagay ng panahon dahilan para makaranas ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Kung maaalala, pumalo na sa ₱45-milyong halaga ng relief resources ang naihatid ng ahensya sa mga apektadong lugar.
Sa datos ng DSWD, umaabot na sa higit 220,000 pamilya ang apektado ng pag-ulan habang ang nasa 7,500 na pamilya ay namamalagi sa mga itinalagang evacuation centers.
Patuloy naman ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na mabilis na maihahatid ang mga tulong sa mga apektadong residente.