Bumuo ng three-man Executive Committee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang magpapatakbo sa pang araw-araw na operasyon ng pamahalaan habang wala siya sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.
Sinabi ni Gomez itinalaga ni Pangulong Marcos si Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Boying Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella.
” President Marcos created a three-man Executive Committee to manage the day-to-day operatios of the executive branch and ensure uninterrupted governance,” mensahe ni Sec. Gomez sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.
Tatlong araw ang official visit ng Pangulo simula ngayong araw July 21 hanggang July 22,2025.
Sa panayam kay ES Bersamin kaniyang sinabi na ang bilin ng Pangulo na ipagpatuloy ang mga trabaho habang wala siya sa bansa.
“The orders of the president are to continue the work while he’s away. Anyway, we keep in constant communication with him during all the time that he is away from the country,” pahayag ni ES Bersamin.
Siniguro naman ni Bersamin na lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay magpapatuloy sa kanilang trabaho.