STar City
Star City/ image by Sen Gordon Redcross

Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P5.5 million bilang emergency employment assistance sa halos 500 na empleyado ng nasunog na Star City.

Ang nasabing tulong ay maaaring aabot ng hanggang dalawang buwan na karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang administrative jobs.

Nakipag-ugnayan ang DOLE sa Public Employement Service Office ng Pasay para mag-profile at mag-assess sa mga naapektuhang empleyado.

Ang nasabing tulong ay base na rin sa rekomendasyon ng Bureau of Local Employement na pinunduhan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (Tupad) program.