Nakatakdang humingi ng karagdagang pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa cash assistance na ibinibigay sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa Laging Handa briefing nitong umaga, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na tinatayang 1.8 million manggagawag Pilipino ang inaasahang maapektuhan ng global health crisis na ito.
Kahapon, Abril 5, sinabi ng DOLE na mangangailangan sila ng karagdagang P5 billion para gamitin sa assitance programs sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 pandemic.
Hanggang nitong araw, Abril 6, sinabi ni Bello na 180,000 manggagawa na ang kanilang nabigyan ng cash assistance.
Sa naturang bilang, 102,855 ang mula sa formal sector (P514 million), at 72,703 beneficiaries naman ang mula sa informal sector (P107 million).
Ngayon, sinabi ni Bello, na target nilang matulungan ang nasa 115,000 formal workers hanggang Abril 14.
Aabot aniya sa P579 million ang kakailanganin nila para lamang sa formal workers, bukod pa ang sa 235,000 para sa informal workers na posibleng aabot ng P963 million.