Nagkilos-protesta sa harap ng Senado ang iba’t ibang progresibong grupo upang ipanawagan na dapat litisin si Vice President Sara Duterte.
Ang panawagan ng mga grupo ay sa gitna ng nakaambang impeachment trial ng Senado laban kay Duterte.
Ngayong araw, Agosto 6, nakatakdang pagbotohan ng mga senador ang ruling ng Korte Suprema makaraang ideklara ng mga mahistrado na unconstitutional ang articles of impeachment ni VP Sara.
Nanindigan si Tindig Pilipinas Co-Convenor Kiko Aquino Dee na dapat ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Dapat din munang isaalang-alang ng Mataas na Kapulungan ang magiging pasya ng Korte Suprema sa mga inihaing motion for reconsideration.
Bagama’t aniya immediately executory ang desisyon ng Supreme Court sa articles of impeachment ni Duterte, hindi raw ito nangangahulugang final na ang ruling.