-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakikipag ugnayan ngayon ang Department of Labor and Employment o DOLE sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapaigting ng online transaction ngayong may pandemya. Plano kasi nilang ilunsad ang online referral system sa One-Stop-Service Center for Overseas Filipino Workers o OSSCO sa Koronadal City ngayong buwan.

Ito ay ayon kay DOLE 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon. Ayon kay Bisnon, ang online system ang tatanggap ng lahat ng document request at iba pang serbisyo bago i-refer sa mga concerned na ahensya ng pamahalaan para agad na matugunan.

Sinabi naman ni DOLE 12 Regional Director Raymundo Agravante na tuloy tuloy ang ginagawang improvement sa kanilang system para mapabilis ang serbisyo sa kanilang mga kliyente. Ipinahayag nito na may mga pagbabago rin silang ipinatupad para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at kliyente ngayong may pandemya.

Kabilang naman sa dokumento na maaring makuha sa pakikipag-transaction online na kailangan pa rin ng personal appearance sa OSSCO ang OWWA membership, at Overseas Employment Certificate ng Philippine Overseas Employment Associaton o POEA.