Itinanggi ng Department of Justice na mayroong ‘political persecution’ sa pagtayo ng ilang indibidwal bilang testigo sa International Criminal Court.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, makakatiyak umano ang publiko na ang mga testigo laban kay former President Rodrigo Roa Duterte ay hindi magagamit sa pampultikal na interes lamang.
Ito aniya raw ang sineseguro ng Department of Justice sapagkat giit niya’y nakabase ang aksyon o hakbang ng kagawaran sa mga ebidensiyang ipinepresenta at nakukuha nila.
Hindi lamang raw ‘probable cause’ ang mga ito kundi itinutulak ang pagkakaroon ng ‘reasonable certainty of conviction’ para tumayo sa korte bilang kaso.
Kaya’t kanya pang sinabi na walang pinipili ang mga kinakasuhan o inaasiste ng kagawaran basta’t may sapat na mga ebidensiya.
Buhat nito’y maisa pang ulit na sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na walang pamumulitika ang patungkol sa pagkakadetene ni dating Pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands.
Naniniwala ang naturang tagapasaglita na ang pagpapadala at paghawak ng imbestigasyon o kaso patungkol war on drugs ay mas mainam na sa International Criminal Court.
Sa pamamagitan raw aniya kasi nito’y maihihiwalay ang kaso mula sa isyu at interes sa pulitika.
Sa kasalukuyan ay nauna ng ibinahagi ng Department of Justice na nasa 4 na mga indibidwal ang kanilang binibigyan proteksyon sa pagtayo bilang testigo kontra kay dating Pangulo Duterte.
Kasama rin kinumpirma ng kagawaran ang pagtestigo ni Royina Garma, dating opisyal ng pulisya na kabilang at nasasangkot sa implementasyon ng ‘war on drugs’.