-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Justice na may katotohanan ang impormasyon nasa kustodiya na ng bansang Czech Republic si former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Sa isanagawang pulong balitaan ng naturang kagarawan ngayong araw, pinabulaanan mismo ni Justice Secretary Fredderick A. Vida ang mga pagdududa at pahayag nagsasabing hindi totoo ang pagkakaaresto sa dating mambabatas.

Giit niya’y mayroon katotohanan nasa kustodiya na ng naturang bansa si former Cong. Zaldy Co kung kaya’t kinukumpirma rin aniya ng Justice Department ang patungkol sa nabanggit na ulat.

Ito’y kasunod nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hawak na ng awtoridad ng Czech Republic ang kustodiya sa akusadong si Zaldy Co.

Kinumpirma rin ng kalihim na nasimulan na ng pamahalaan ng bansa ang pagproseso upang maibalik patungong Pilipinas ang dating mambabatas nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.

Ibinida naman ni Justice Secretary Vida na kumpyansa ang ahensiya na tama ang tinatahak na direksyon ng gobyerno sa pagproseso sa kaso o sitwasyon ni former Cong. Zaldy Co.

Pinag-aaralan na aniya ang mga legal na opsyon maaring gawin ng pamahalaan para makamit ang layon na maibalik ng Pilipinas ang dating mambabatas.

Kinakailangan raw kasi itong mangyari upang maiharap sa korte ng Sandiganbayan kung saan siya’y kinasuhan ng malversation of public funds through falsifiication, graft, at iba pa kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Tiwala ang Department of Justice na maibabalik sa Pilipinas ang kustodiya sa akusadong si Zaldy Co ngunit aminadong hindi pa sigurado kung kailan ang tiyak na petsa.