-- Advertisements --

Walang nakikitang rason si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa pagtigil ng paggamit ng AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19.

Kasunod ito sa mga naiulat na nagkaroon ng blood clotting ang mga nabakunahan sa ilang bansa sa Europe.

Ayon sa kalihim na walang ebidensiya na nagdudulot ng blood clotting ang bakuna.

Sinabi nito na hindi muna sila titigila sa paggamit at patuloy pa rin aniya nag kanilang imbestigasyon.

Magugunitang ilang mga bansa gaya ng Denmark, Norway at Iceland ang huminto sa paggamit ng AstraZeneca vaccine.

-- Advertisement --