Nasa tamang direksiyon ang administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. tungo sa full implementation ng Universal Health Care Act.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, nakatutok sila sa pagtiyak na magiging accessible ang mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, anuman ang estado sa buhay.
Binigyang diin ni Teodoro na dapat ramdam ng bawat Pilipino ang UHC alinsunod sa prinsipyo ng Pangulo na “No One Gets Left Behind” o walang mapag-iiwanan.
Ito rin anya ang sinusundan nila sa 8-Point Action Agenda na tumutukoy sa ligtas at de-kalidad na paghahatid ng serbisyong medikal, kahandaan sa pandemya at krisis, gayundin sa pagtiyak ng kapakanan at karapatan ng healthcare workers.
Binigyang diin ni Herbosa ngayong taon ay pinalakas ng DOH ang one-stop shop program na nagbibigat ng health services para sa mahihirap na pasyente sa pamamagitan ng Malasakit Centers sa buong bansa.
Sa ngayon umaabot na sa 159 ang Malasakit Centers, kung saan pinakahuling binuksan o pinasinayaan ang sa Bislig District Hospital sa Bislig City, Surigao del Sur.
Batay sa direktiba ng Pangulo, ipinatupad rin ng DOH ang whole-of-society approach sa paglaban sa tuberculosis, at HIV/AIDS.