-- Advertisements --

Target ng Department of Health (DOH) na iturok ang 23 milyon booster shots ng hanggang 100 araw na pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod ito sa kautusan ni Pangulong Marcos na maging accessible sa publiko ang COVID-19.

Ayon kay DOH officer-in-charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan nilang paigtingin ang kampanya sa pagpapabakuna.

Sakaling maabot ang nasabing bilang sa loob ng 100 araw ay maaring maraming pagbabago ang ipapatupad lalo na sa restrictions.

Magugunitang matapos na magpositibo si Pangulong Marcos ay hinikayat nito ang mamamayan na magpaturok ng COVID-19 vaccine at magpa-booster para hindi na lumala pa ang kaso ng COVID-19.