-- Advertisements --

Pormal nang umupo bilang Presidente ng 78th World Health Assembly (WHA) si Department of Health Sec. Ted Herbosa bilang kinatawan ng Pilipinas sa Palais des Nations sa Geneva, Switzerland nitong araw ng Lunes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mamumuno ang Pilipinas sa WHA, ang pinakamataas na decision-making body sa World Health Organization at kinabibilangan ng 194 na mga bansa.

Sa pag-convene ng assembly, pinasalamatan ni Sec. Herbosa ang mga miyembro ng WHO Western Pacific Region para sa nominasyon ng Pilipinas at sa lahat ng WHO Member States para sa kanilang suporta at matibay na ugnayan

Gayundin, pinasalamatan ni Sec. Ted ang mga namuno sa nakalipas na Assembly.

Ayon sa DOH, sa pagsisimula ng WHA, iba’t ibang mga usaping pangkalusugan ang tatalakayin kasabay ng pagbalangkas ng mga polisiya para patatagin pa ang ugnayan ng mga bansa sa buong mundo at makamit ang “HealthForAll”.