-- Advertisements --
koronadal lockdown
IMAGE | A portion of Koronadal City, South Cotabato was put into “lockdown” in 2020 due to the rising cases of COVID-19 in the Philippines/Bombo Radyo Koronadal

MANILA – Muling umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na manatili sa kanya-kanyang bahay at sundin ang minimum public health standards matapos maitala ngayong araw ang 7,999 new cases ng COVID-19, ang pinakamataas mula nang pumutok ang pandemya.

“With the Philippines recording 7,999 cases—the highest recorded single day case count—the Department of Health (DOH), together with the rest of the government, call on the public anew to suspend non-essential travel and ensure strict adherence to minimum public health standards (MPHS) across ALL settings.”

Dahil paparating na ang Holy Week, hinimok ng ahensya ang publiko, lalo na ang mga deboto na sa bahay na lang o sa pamamagitan ng online dumalo ng mga misa.

Ayon sa Health department, mababawasan ang banta na mahawan ng coronavirus kung palaging susundin ang minimum public health standards.

“The public is called on to wear their masks properly, and to observe other preventive strategies, AT ALL TIMES and IN ALL SETTINGS—even at home—in order to help reduce transmission.”

Nanawagan din ang kagawaran sa mga makakaramdam ng sintomas na agad makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) para quarantine at testing.

Binigyang diin ng DOH ang kahalagahan ng pagpapanatili sa mabagal na pagkalat ng sakit para hindi na naman mapuno ang mga ospital.

“The DOH emphasizes that the number one objective right now is to ensure care is not hampered nor delayed for COVID and non-COVID patients.”

“Everyone must act with extreme vigilance and help reduce transmission by consistently adhering to our preventive measures, as well as following our quarantine and isolation protocols.”

Aabot na sa 656,056 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ang 562,484 ay gumaling na, pero 12,930 ang binawian ng buhay. Nasa 80,642 naman ang mga nagpapagaling pa.