-- Advertisements --

CEBU CITY – Hinimok ng Department of Health (DOH)-7 ang publiko at mga pribadong pagamutan na ihanda ang mga isolation room para sa mga pasyenteng “under investigation” sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay DOH-7 director Dr. Jaime Bernadas, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga local government units upang ipaalam sa publiko ang naturang sakit.

Binigyang halaga rin ng ahensya ang pagpapanatili ng proper hygiene gaya ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, gayundin ang paggamit ng alcohol.

Payo muli ng DOH sa publiko, huwag matakot at magpa-check up sa doktor kung may nararamdamang sintomas sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 53 ang “patients under investigation” sa buong Central Visayas.