-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Taiwan nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa advisory na inilabas ng PHIVOLCS, iniulat na ang lindol ay naganap bandang alas-11:05 ng gabi, at napagalaman na ang sentro nito ay 24.65°N, 122.04°E, mga 429 km hilaga-hilagang-kanlurang bahagi ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang epicenter ng lindol ay nasa 31 km silangan-timog-silangan ng Yilan, Taiwan, at may lalim itong 68 km.

Dahil dito naitala sa Basco, Batanes ang Intensity I, ang pinakamababang antas sa PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale, na nagpapahiwatig ng napakaliit na pagyanig na malamang ay hindi mararamdaman ng karamihan sa mga residente.

‘Wala namang naitalang banta ng Tsunami ang naturang lindol.