-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pansamantalang isasara ang Department of Health Western Visayas Center for Health Development sa Lunes, Oktubre 19, upang isagawa ang disinfection matapos nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Jessie Glen Alonsabe, pinuno ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, sinabi nito na isang medical officer ang infected ng COVID-19 at nakaquarantine na umpisa Oktubre 12 matapos nakaramdam ng mild symptoms.

Ayon kay Alonsabe, anim ang nakaclose contact ng doktor at ngayon ay nasailalim na sa quarantine.

Nagpapatuloy pa ang contact tracing sa nasabing opisina upang matukoy ang iba pang nakaclose conract ng pasyente.

Ang operasyon ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development ay magpapatuloy sa Martes, Oktubre 20, ngunit ngayon kay Alonsabe, hindi naman maapektuhan ng temporary closure ng opisina ang pagrelease ng case bulletin para sa Western Visayas.