-- Advertisements --
Hinihikayat ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang anumang anomalya sa farm-to-market roads (FMR).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na mayroon silang binubuong “FMR Watch” platform para maisumbong ng mga mamamayan, gnun ang mga magsasaka at local na opisyal na isumbong ang nasabing anomalya.
Dagdag pa nito na sa platform ay maarin mag-upload ng mga larawan at video sa mga nakita nilang anomalya.
Natitiyak din nito na kanilang tutugunan agad ito.
















