Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga pekeng account online na nagi-endorso ng home-based na gamot para sa kanser.
Sa inilabas na advisory ng ahensiya, nilinaw nito na walang home-based na gamot para sa sakit na kanser.
Kayat inabisuhan nito ang publiko na huwag maniwala sa ipinapakalat ng mga pekeng DOH accounts online.
Ipinaliwanag ng DOH na tanging ang mga kwalipikadong health professionals sa lisensiyadong pasilidad ginagawa ang paggamot ng naturang sakit.
Ayon sa DOH, mayroong 34 na Cancer Assistance Fund sites sa buong Pilipinas para suportahan ang pagpapagamot ng mga pasyenteng may kanser.
Nagpaalala rin ang kagawaran sa publiko na manatiling mapagmatiyag at huwag magbahagi ng hindi beripikadong pahayag na maaaring magdulot ng pangamba at hinimok ang lahat na tanging sa lehitimong source kumuha ng impormasyon.
















