-- Advertisements --

Kailangan munang hintayin ng Pilipinas ang resulta ng mga pag-aaral sa ibang bansa bago payagan ang paggamit ng magkaibang brand ng bakuna sa dalawang dose ng COVID-19 para sa mga Pilipino.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Department of Science and Technology at sa Vaccine Expert Panel hinggil sa pag-aaral sa paghalo-halo ng mga bakuna.

Mayroon aniyang theoretical basis sa likod nang pag-aaral na ito naman ng Vaccine Expert Panel ng Pilipinas.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na mayroong pag-aaral ang United Kingdom patungkol sa paghalo-halo ng mga bakuna, pero wala pang lumalabas na resulta rito.