MANILA – Pumalo na sa 482,083 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong araw, nag-ulat ang ahensya ng 1,353 na mga bagong na-infect ng coronavirus.
“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 6, 2021.”
Ang lalawigan ng Rizal ang nangunguna ngayon sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng new cases na umabot sa 63. Sumunoda ang Laguna (62); Marikina (60); Quezon City (58); at Davao City (54).
Halos 450,000 na ang total recoveries matapos madagdagan ng 360 na bagong gumaling. Aabot na ang bilang ng mga nag-recover sa COVID-19 sa 449,052.
Habang siyam ang dagdag na bagong namatay, kaya ang total deaths ay sumirit pa sa 9,356.
“7 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 5 recovered cases have been removed. Moreover, 3 cases previously tagged as recovered was reclassified as deaths.”