-- Advertisements --

Nakataas na sa code-white ang Department of Health (DOH) dahil sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Wilma.

Ayon sa DOH na ang code-white ay para matiyak na nakahanda na ang mga medical equipment , medical personnel at pasilidad na reresponde sa anumang emergencies.

Inalerto na rin ng DOH ang lahat ng mga opisina nila na dadaananng bagyo partikular na sa Eastern Visayas.

Base kasi sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) na inaasahang magla-landfall ang bagyong Wilma sa araw ng Sabado, Disyembre 6.