Patuloy na nakakapagtala pa rin ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).
Batay sa kanilang pinakahuling datos, nakapagtala ang DOH ng nasa 365 na mga bagong kaso ng nasabing virus sa bansa.
Sa ngayon ay bumaba na sa 17,374 ang bilang ng mga aktibong kaso nito mula sa dating 17,863 na mga kasong naitala noong Enero 1.
Samantala, nangunguna pa rin naman ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming naitatalang mga kaso ng naturang virus na may bilang na 1,105, na sinundan naman ng Region IV-A na may 438, habang ang Region III naman ay may 327 na mga aktibong kaso ng nasabing sakit.
Tumaas naman sa 17.3% mula sa dating 16% ang bed occupancy rate sa bansa, habang ayon naman sa DOH ay nasa 5,568 ang occupied beds ngayon, nasa 26,544 naman ang mga bakanteng kama ngayon sa mga pasilidad.
















