Aabot sa 4,040 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang inireport ng Department of Health (DOH) ngayong araw. Kaya naman pumalo na sa 252,964 ang total ng mga tinamaan ng pandemic na sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, anim na laboratoryo lang ang bigong makapag-submit ng data kahapon sa kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS). Kabilang dito ang:
- Butuan Medical Center
- Cebu TB Reference Laboratory
- Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center
- Ilocos Training Regional Medical Center (GX)
- Marikina Molecular Diagnostic Laboratory
- Safeguard DNA Diagnostics
Mula sa higit 4,000 dagdag na kaso ng sakit, 68% ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw.
“Of the 4,040 reported cases today, 2,754 (68%) occurred within the recent 14 days (August 29 – September 11, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,196 or 43%), Region 4A (640 or 23%) and Region 3 (244 or 9%).”
Pinakamarami ang naitala sa National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon.
Samantala, aabot pa sa 62,250 ang bilang ng mga nagpapagaling o active cases.
Nadagdagan naman ng 566 ang total ng recoveries na ngayon ay nasa 186,606 na. Habang 42 ang additional sa death toll na 4,108.
“Of the 42 deaths, 25 occurred in September (60%), 11 in August (26%) 2 in July (5%) 1 in June (2%) and 3 in April (7%). Deaths were from NCR (15 or 36%), Region 5 (6 or 14%), Region 6 (5 or 12%), Region 8 (3 or 7%), Region 11 (3 or 7%), Region 12 (3 or 7%), Region 7 (2 or 5%), BARMM (2 or 5%), Region 9 (1 or 2%), Region 4A (1 or 2%), and Region 4B (1 or 2%).”
May 23 duplicates daw na tinanggal ang DOH sa total case count, kung saan siyam ang recoveries.
Siyam na iba pang recoveries naman ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay patay na.