NTF PGH VACCINE
-- Advertisements --

MANILA – Patuloy pang nadagdagan ng mataas na bilang ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ngayong araw nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 4,899 na bagong kaso ng sakit. Kaya sumirit pa sa 621,498 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 13, 2021.”

Mula naman sa higit 50,000 active cases kahapon, bumaba na lang ang bilang ng mga nagpapagaling na pasyente sa 48,157.

Bunga ito ng time-based tagging ng DOH, na nag-resulta naman sa 13,371 na bagong reported recoveries.

-- Advertisement --

Ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay nasa 560,512 na.

Habang 63 ang bagong naitalang namatay para sa 12,829 total deaths.

“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 9 are recoveries.”

“Moreover, 16 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Una nang sinabi ng DOH na maaaring posible na dahil sa mga bagong variant ng SARS-CoV-2 at hindi pagsunod sa health protocols ang sanhi ng sumisirit na kaso ng sakit.

Nagbabala naman ang health expert at dating special adviser ng National Task Force against COVID-19 na si Dr. Tony Leachon sa maaaring harapin ng bansa kung hindi agad aaksyon ang gobyerno.

“The health system will be overwhelmed. Though we are prepared today but we don’t have sustained vaccine supply yet. We don’t want to see a repeat of last year. Fatigue of HCWs (healthcare workers) is imminent,” ani Leachon sa isang online post.