Sang-ayon ang Department of Health (DOH) na isang major breakthrough o malaking development sa larangan ng siyensya ang dexamethasone, kung mapapatunayang gamot ito laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Pero sa ngayon, dapat daw mag-ingat ang publiko dahil sa posibleng side effect ng gamot.
“Dexamethasone is a type of steroid medication that is currently indicated in the treatment of different conditions such as severe allergies, preterm labor, and as adjunct in certain chemotherapy regimens,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“We strongly urge the public not to rush to the drugstores, buy this drug, and take it without the supervision of a doctor, in order to be cured or be protected from the virus,” dagdag ng opisyal.
Dalawang mahalagang bagay daw na nakasaad sa resulta ng pag-aaral ng United Kingdom health experts ang dapat tandaan: una ay ang paggamit ng nasabing gamot habang nasa ospital, at pangalawa ay ang pagbibigay nito sa mga severe at critical patients ng COVID-19.
“Dexamethasone has only been given to patients who are critically hospitalized, those who are already intubated and supported by a ventilator, or those who require oxygen therapy.”
Nakasaad din umano sa report ng mga nagsagawa ng clinical trials sa dexamethasone na hindi pa ito dumaan sa peer review.
Isang uri ng proseso, kung saan ine-evaluate ng kanilang mga kapwa eksperto sa parehong level o antas, ang resulta ng ginawa nilang pag-aaral.
“Hindi pa po ito peer-reviewed ng mga ka-level nilang experts, iyong isa sa mga proseso para masabi na ang ebidensiya ay study ay katanggap-tanggap. Aantayin po muna natin ang resulta ng peer review na ito bago natin masabi na puwede natin itong gawin.”
Bukas naman daw ang DOH na pag-aralan din ng local experts ang gamot basta’t papasa ito sa kinakailangang peer review.
Sa ngayon, nilinaw ng Health department na ang dexamethasone ay bahagi pa rin ng ginagawang pag-aaral ng mga eksperto sa buong mundo, at hindi pa isang uri ng napatunayang gamot laban sa virus ng COVID-19.
“We want to remind and warn the public not to buy or worse—hoard it—in the hope of self-medicating or taking it as prophylaxis.”
Ayon din kay Usec. Vergeire, kahit may component o halong dexamethasone ang pinag-uusapang Fabunan Anti-viral Injection ay wala itong kasiguraduhang epektibo, dahil hindi ito rehistrado sa clinical trial at sa ilalim ng Food and Drug Administration.
“Dexamethasone is yet to undergo further trials and review, but we assure the public that the
DOH is in coordination with the global medical community.”