Nakapagtala pa ng 3,281 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH), kaya naman umakyat na ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa bansa, sa 241,987.
Ayon sa DOH, 81 lang mula sa 115 laboratoryo ang nakapag-submit ng kanilang mga datos sa COVID-19 Data Repository System.
“Of the 3,281 reported cases today, 2,932 (89%) occurred within the recent 14 days (August 26 – September 8, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,275 or 43%), Region 4A (743 or 25%) and Region 3 (292 or 10%).Of the 26 deaths, 14 occurred in September (54%), 8 in August (31%) and 4 in July (15%).”
Samantala, ang numero ng mga nagpapagaling ay nasa 52,893 pa.
Ang bilang naman ng mga gumaling ay nadagdagan ng 286 kaya ang total nito ngayon ay umakyat pa sa 185,178. May 26 din na nadagdag sa total deaths na 3,916.
Aabot sa 21 duplicates ang tinanggal ng Health department sa total case count, kung saan pito ang recoveries.
“Moreover, there were seven (7) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths.”