LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #200 As of 4PM today, September 30, 2020, the Department of Health reports the total…
Posted by Department of Health (Philippines) on Wednesday, September 30, 2020
Umakyat pa sa 311,694 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,426 na mga bagong kaso ng sakit.
Ayon sa ahensya, resulta ito ng submission ng lahat ng laboratoryo sa kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS).
“Of the 2,426 reported cases today, 2,113 (87%) occurred within the recent 14 days (September 17 – September 30, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (746 or 35%), Region 4A (485 or 23%) and Region 10 (152 or 7%).”
Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa ay nasa 52,702.
Ang numero naman ng mga gumaling ay nadagdagan ng 585 kaya ang total ay nasa 253,488. Habang 58 ang additional sa total death count na 5,504.
“Of the 58 deaths, 42 occurred in September (72%), 12 in August (21%) and 4 in July (7%). Deaths were from NCR (20 or 34%), Region 6 (16 or 28%), Region 4A (8 or 14%), Region 11 (5 or 9%), Region 7 (3 or 5%), Region 9 (3 or 5%), Region 12 (2 or 3%), and Region 5 (1 or 2%).”
Ayon sa ahensya, 35 duplicates ang kanilang tinanggal sa total case count. Kabilang dito ang 13 recoveries at dalawang death cases.
Mayroon ding 14 na recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy na lahat sila ay namatay na.