Aabot sa 454,447 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nadagdagan ng 1,470 ang total case count. Pero hindi pa raw kasali rito ang datos ng walong laboratoryo na hindi nakapasa ng ulat kahapon.
“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 16, 2020.”
Ang Quezon City pa rin ang nakapagtalaga ng pinakamataas na numero ng mga bagong kaso na umabot sa 74. Sinundan ng Rizal province na may 64; Makati City (58); Davao City (55); at Quezon province (46).
Nasa 25,695 pa ang mga active cases na nagpapagaling. Mula sa kanila 84.8% ang mild cases. May 6.9% naman na mga asymptomatic; 5.4% na critical; 2.7% na severe; at 0.30% na moderate cases.
Nadagdagan naman ng 633 recoveries ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, na ngayon ay nasa 419,902 na.
Samantalang nadagdagan ng 17 ang total deaths, na umaabot naman na ngayon sa 8,850.
“11 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 recovered cases and a death have been removed. Moreover, 3 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”