-- Advertisements --

MANILA – Nadagdagan pa ng 1,583 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito sumampa na sa 528,853 ang total ng coronavirus cases sa bansa.

“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 1, 2021.”

Nasa 30,368 pa ang mga active cases o nagpapagaling.

Pumalo naman sa 487,611 ang total ng recoveries dahil sa 39 na bagong gumaling.

Habang 10,874 ang total deaths dahil sa nadagdag na 67 na bagong namatay.

“1 duplicates were removed from the total case count.”

“Moreover, 1 case that was previously tagged as recovered was reclassified as a death after final validation.”