-- Advertisements --

Ikatlong sunod na araw nang nakapagtatala ang Department of Health (DOH) ng mababa sa 2,000 mga bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng ahensya, 1,923 ang bilang ng mga nadagdag na kaso ng sakit, kaya naman pumalo pa sa 365,799 ang total ng coronavirus cases sa Pilipinas.

“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on October 22, 2020.”

Pinakamataas ang naitala mula Davao City na nasa 99. Sinundan ng Cavite, Lungsod ng Maynila, Quezon City at Negros Occidental.

Aabot sa 1,745 o 91% ng mga bagong report na kaso ng COVID-19 ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. May ilan naman na noon pang Marso hanggang Setyembre nag-positibo pero kahapon lang nai-report.

“Of the 1,923 reported cases today, 1,745 (91%) occurred within the recent 14 days (October 10 – October 23, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (428 or 25%), Region 4A (302 or 17%) and Region 6 (209 or 12%).”

Samantala, ang active cases naman ay nasa 46,193. Ang total recoveries ay nadagdagan ng 424 kaya umakyat ang kabuuang bilang sa 312,691. Habang ang death toll ay patuloy ding tumaas sa 6,915 dahil sa additional na 132.

“Of the 132 deaths, 76 occurred in October (58%), 30 in September (23%) 9 in August (7%) 14 in July (11%) 1 in June (1%) and 2 in April (2%). Deaths were from NCR (47 or 36%), Region 3 (33 or 25%), Region 4A (23 or 17%), Region 6 (10 or 8%), Region 7 (8 or 6%), Region 5 (3 or 2%), CARAGA (2 or 2%), Region 1 (1 or 1%), Region 11 (1 or 1%), Region 12 (1 or 1%), BARMM (1 or 1%), CAR (1 or 1%), and ROF (1 or 1%).”

May 12 duplicates daw na tinanggal ang DOH mula sa total case count, kung saan walo ang mula sa recoveries.

“Moreover, 58 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”